Wednesday, November 26, 2008

cadence

CHAIN GANG
(Sam Cooke & Charlie Cooke)
.... (well don't you know)
that's the sound of the men working on the chain ga-a-ang
that's the sound of the men working on the chain gang
all day long they're singin'
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)
(Hooh! aah) (hooh! aah!)
(well don't you know)
that's the sound of the men working on the chain ga-a-ang
that's the sound of the men working on the chain gang
all day long they're singin'
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)....
Ito ang ginamit na cheer sa volleyball tournament na pinangunahan ng Naic Magilas Jaycees kung saan naging kauna-unahang champion ang TXRD FORCE.
Galing ito sa pelikulang pinamagatang CADENCE na pinangungunahan ni Charlie Sheen. Kwento ito ng isang puting amerikanong sundalo na pinarusahan dahil nagpa-tattoo sa kamay at ipinadala sa barracks ng mga sundalong puro african-american . Unti-unti ay nakuha niyang irespeto ang kanyang mga kasamahan habang tinututulan nila ang deskriminasyon mula sa isang sarhentong mapang-api ng ibang lahi.
Nagkataong napanood ito ng lahat ng tropa at nagustuhan. Inaawit din ito ng tropa kapag nagkakasama at nagkakatuwaan.
Kung gustong mapanood at madinig ang video, pumunta sa may bandang ibaba ng blog at i-click ang play button . Sana ay maalala ng tropa ang videong ito.

Saturday, November 1, 2008

txrd force( ayon sa aking ala-ala)



(Kwento ito ni Defs na isang miyembro ng grupo.) Hindi ko malilimutan ang mga panahon noong aking kabataan na sa isang maliit na baranggay sa bayan ng Naic, Cavite nabuo ang TXRD FORCE. Mga kabataan na nagkakatuwaan at laging masaya kapag nagkikita. Nagpi-picnic sa harapan ng bahay ni Kaka Intang na may paarkilahan ng komiks at may lamesa ng madyungan. Nagdadala ng bahaw at ulam na kinete sa badayo at salu-salo tawag ang ilang tropa. May ginawa kami ni Pareng Elmer na maliit na tambayan sa ilalim ng puno ng balimbing na kapag umuulan ay tumutulo. Naghahalinhinan sa paglalaro ng Gameboy na dala ni Komang galing Germany. Halos magkakapalitan na nga ng mukha sa panood sa maliit na screen ng nasabing laruan. Basta kailangan mo ang tropa ay naandoon lang sila sa may tambayan.

Nagkaroon ng liga ng volleyball sa bayan na pinangunahan ng Naic Magilas Jaycees. Lahat ng baranggay ay nagpasok ng entry at ang naging champion ay ang team na TXRD FORCE. Ang mga player ay sina Nomer at Bong Lopez, Lito del Rosario, Noel at Delfin Gutierrez, Edward at Idoy Pinco, Ogie Punzalan, Alex Repil, Toto(Paos) Antiojo, Taguie Castillo at Danilo (Jet-jet) Castro at ang aming Coach ay si Domeng na mag-iisda. Kaunaunahang champion ng volleyball sa bayan ng Naic ang TXRD FORCE.

Kapag malapit na ang pyesta at kapaskuhan ay tumutulong sa paglilinis ng mga kanal at paglalagay ng banderitas at dekorasyon sa kalsada. Gabi-gabi ay nagpupuyat ang tropa sa paggagawa ng parol at christmas tree na inilagay sa bubong ng Baranggay Hall sa tabi ng tambakan.

Minsan naman ay nagkakaumpukan sa may looban sa upuang bato sa kanto at inilabas na din ang mahabang bangko at isinandal sa bakod nina Aling Sepa para maging sandalan. Lalabas si Jonathan dala ang gitara ng tatay niyang Mang Danny at tutugtog sila nina Cesar at kasabay din sa pagkanta ang tropa. Magkakantyawan at hindi naman nagkakapikunan. Kapag nagkakalaglagan na sa kantyawan ay may motto ang tropa na "mamatay na sa tanggi". Kaya kahit magkapi-pitan ng bayag ay hindi aamin at ipagkakanulo ang isa't-isa, "hulihin mo ng mapatunayan mo".

Nagkakatuwaan din ang mga tropa pagkatapos magawa ang kanilang gawain. Isang beses ay naglaro ng barilan ang tropa at nagtatagbuhan sa looban na may dalang baril.Pumasok pa nga sa looban si Jojie na asawa ni Nina na maysukbit na baril at riple ng CCA. Tawanan ang taga looban. Katakot-takot na puna at batikos ang naririnig mula sa mga matatanda ngunit hindi naman iyon pinapansin dahil ang mahalaga ay hindi naman namin sila pinakikialaman . Nagkakatuwaan lang. Minsan ay naalala ko na gabi at naglaro ng taguan sa may Balsahan Elementary School. May nagtatago sa loob ng room na bagong gawa at may nagtatago sa may ilat sa may garden , nagkakandahulog sa ilog nakakapit lang sa ugat ng puno at mga halaman. May kasama pa kaming malabasin at nagtataasan ang aming mga balahibo, hindi ko na sasabihin kung sino iyon.
(ang larawan ay ang sagisag ng txrd force)

txrd force fieldtrip

kitang-kita na nagkakatuwaan ang tropa. kuha ito sa villa colmenar sa indang, cavite. ang mga nasa picture ay sina ( mula kaliwa bandang itaas pababa) jun-jun toribio, sean sugue karga ng nanay niyang si nor del rosario-sugue, vic pinco, clifford cabugos, tirso pinco, gerald sugue, jessie lopez, gerald lopez, sherley toribio, nino cabugos, cornelio pinco, mark del rosario, jennie castillo-jacob, richie navasa, edward pinco, jasmin castillo-poblete, rowena ilog (asawa ni bal ilog), allan macalindong, dennis pinco, bebet dayson, julius dela cruz, joel castillo at lilian pinco. (picture courtesy of jennie jacob and lena flores).(i-click ang picture para lumaki.)

txrd force fieldtrip sa villa colmenar indang, cavite


minsan ay nagkaroon ng field trip ang txrd force. umarkila at nanghiram ng sasakyan ang tropa at isinama na din ang ilang mga taga balsahan. nagluto ng ilang putahe para may makain at ang iba naman ay nagdala bilang kontribusyon sa pagkain. masaya ang lahat at nagkakatuwaan. ito ay ginanap sa villa colmenar resort sa indang, cavite. ang mga nasa larawan ay sina(mula kaliwa sa harapan )dennis pinco, nell mojica, clifford cabugos, arcely dayson, tala reyes, lilian pinco, jenny pinco-jacob, at nasa tabi si carina dela cruz, (nasa bandang likod mula sa kaliwa) nelson gonzales, cornelio pinco, fe pinco, sherly toribio, joel castillo, alice abad, noel gutierrez, erwin olano, marlon magloncio, vic pinco, delfin gutierrez karga ang anak na si dale at rannie valencia karga si tyron na anak ni tirso pinco.(picture courtesy of jennie castillo-jacob and lena reyes-flores)(abangan pa ang ilang pictures sa susunod.)(i-click ang picture para lumaki).