mayo 10, 2009, labimpitong taon na ang nakalipas, naganap ang anniversary/reunion ng TXRD Force. ito ay may temang "pagkakaibigan" at layuning "magandang samahan, may pang-unawa, at malasakit sa kapwa kasamahan at sa nayong pinagmulan".
muling nagkasama-sama at nagkatipon-tipon ang mga miyembro para muling magkasayahan at muling gunitain ang mga masasayang ala-ala labimpitong taon na ang nakalipas. may mga ilang miyembro ang nagmula pa sa malayong lugar kung saan sila ay kasalukuyan naninirahan. nais nilang muling maranasan ang mga katuwaan at kwentuhan .
may dalawang bahagi ang pagdiriwang na ito. ang unang bahagi ay nagsimula sa isang misa kung saan sila ay sumimba. nagkatipon -tipon sila sa basketball court kung saan naging makabuluhan ito dahil ang lugar na ang naging saksi nang mag-kampiyon ang txrd force sa volleyball . nagparada ang buong tropa pababa sa balsahan papasok sa may looban. nagtuloy sila sa may paso o hagdan bato at bumalik papasok na sa sakatihan field kung saan madalas ang tropa ay magkatipon-tipon noon.
mayroon ding inihandang programa kung saan si chang ome asejo ang namuno. may panalangin napinamunuan ni cherrie valenzuela, pag-awit ng pambansang awit sa pagkumpas ni jennie castillo-jacob , at panunumpa sa watawat na pinangunahan ni cornelio "pito" pinco. ang bating panimula ay nanggaling kay kapitan gerald sugue, at sinundan naman ito ni delfin gutierrez para sa kasaysayan ng txrd force.
pagkatapos nito ay nagsimula na ang mga palaro at mga katuwaan. maraming tropa , bago man at luma ang kasali. naganap din ang tradisyunal na "binyagan" na sa pamamagitan ng basaan , matatanggap nila ang basbas mula sa mga naunang miyembro bilang mga bagong kasapi.
may mga sayawan at indakan kahalintulad sa karakol. talagang hindi matatawaran ang kaligayang muling idinulot nito sa bawat isa. pagkatapos ay nagkaroon ng sama-samang pagsasalu-salo para sa lahat. nag-uwian na ang lahat pagkatapos kumain para muling bumalik uli para naman sa ikalawang bahagi o ang tinatawag na " fellowship".
bandang hapon na naganap ang ikalawang bahagi. suot ng bawat isa ang kanilang maaayos na kasuotan, muling nagkatipon-tipon ang lahat upang magsimula . si uging borja ang namahala sa programa. sinimulan ito sa panalangin ni ed "japon" pinco at sinundan naman ng pananalita ni kapitan gerald sugue. sumunod naman si delfin gutierrez para muling paggunita sa mga masasayang ala-ala ng tropa labimpitong taon na ang nakalipas. tinawagan ding ang mga original na miyembro sa harapan upang magbigay ng kanilang mga ala-ala at mga masasayang pangyayari na naganap noon. nagkaroon din ng mga palaro para hindi mainip ang lahat lalu na ang mga trivia ni delfin tungkol sa txrd force. may mga gantimpala sa sinumang makakasagot sa mga trivia mula sa pamunuuan at galing ang iba pang papremyo mula kay eddie boy repil. namigay siya ng mga sumblero, panyo at pamaypay pati na din pera para maging masaya. bumati sa tropa ang isang orihinal na miyembro na si lito "komang" del rosario na kasalukuyan ay nasa germany sa pamamagitan ng youtube at sa live na phone patch mula din sa isang orihinal na miyembro na si julius dela cruz na ngayon ay nasa norway. may halong lungkot at tuwa ang mga usapan , subalit kung hindi man sila nakadalo sa espesyal na araw na ito, masaya na din sila at para na din silang nakadalo sa kasayahan.
may mga kwentuhan pa kung saan ibinisto ang mga lihim ng ibang miyembro. wala namang pikonan dahil nagkakatuwaan lamang. ganyan talaga ang tunay na samahan. mayroon din parang patimpalak kung saan pipiliin kung sino ang may pinakamagandang kasuotan ng babae at lalake. masayang nag-uwian ang lahat baon ang masasayang ala-ala . paghahandaan naman sa isang taon ang mas masaya at mas magandang selebrasyon ng annibersaryo/reunion ng txrd force.
mabuhay ang txrd force . . .
(tunghayan ang mga larawan na naipaskil dito)
PERIOD·de·CAL(alifornia): ang pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa
-
tunghayan ang ilang detalye ng pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa sa
balsahan sa PERIOD·de·CAL(alifornia).
No comments:
Post a Comment